Tuesday, September 1, 2009

DIREK MARK SHANDII BACOLOD, ENFANT TERIBBLE NG PHILIPPINE CINEMA



DIREK MARK SHANDII BACOLOD, ENFANT TERIBBLE NG PHILIPPINE CINEMA
by Robert Silverio
Entertainment, September 1, BOMBA Balita

Umusug-usog na ang mga beteranong filmmakers diyan dahil ipinanganak na ang bagong direktor na aagaw sa trono nila - in the person of direk Mark Shandii Bacolod, ang director ng indie film na "Fidel", na pinagbibidahan nina Lance Raymundo, Maribel Lopez, Snooky Serna, Andrea del Rosario, Jao Mapa at marami pang iba.

Halos lahat ng media people, film critics and film lovers na nanood sa premiere night ng said film sa AFP Theater last August 28 ay anonymous in saying na napakaganda ng pelikulang "Fidel". Tunay namang nabigyan ni direk Mark Shandii Bacolod ng magandang approach ang very delicate subject matter na tinatalakay sa istorya ng "Fidel", na tungkol sa isang OFW na na-rape sa Saudi Arabia ng Arabo niyang employer.

Napaka-orihinal ng istilo ng direksiyon ni Mark Shandii, wala kang makikitang loopholes at may maganda siyang vision sa paglalahad ng kanyang pelikula. Plus the fact na hindi pretensyoso ang pelikula - makatotohanan at makabago.

Ipinakita rin ni direk Mark Shandii sa kabuuan ng pelikula ang magagandang values ng isang Filipino family. And in the end, pagkatapos mong mapanood ang pelikula ay mararamdaman mong - "you are proud to be a Filipino" dahil ang mga Pinoy, tulad ng ipinakita sa pelikula, ay lumalaban sa kaapihan ng mga dayuhang yumuyurak sa pagkatao nila.

Sa totoo lang, bago pa man mag-premiere night ang said film, talagang tense na tense na si direk Mark Shandii. Nag-check-in pa siya sa isang five-star hotel at nag-shopping, kumain ng eat-all-you-can, at kung anu-ano pa, mawala lang ang ka-tensyunan niya!

"Pero hayun, at nanginginig parin ako at natatarantang pumasok sa AFP Theater!" kuwento pa ni direk Mark Shandii na 26 years old lang pala. "Hindi ko malaman ang gagawin ko that night! But God is good. After all my tensions, napakaganda ng feedback ngayon sa pelikula ko. Salamat!"

Kapag pinanood mo ang beautiful indie film na ito, iisipin mong hindi ito gawa ng isang baguhang direktor. Gamay na gamay na niya ang kamera at pinaglalaruan na lamang niya ang mga anggulo. Yes, gifted director talaga itong si direk Mark Shandii. He is the real "enfant teribble" ng Philippine Cinema ngayon!

No comments:

Post a Comment